Kung hindi ngayon, kailan ka pa mag-iinvest?

Isa sa pinaka-paboritong linyada ng mga pinoy pagdating sa pag-iinvest ay ang “Saka na lang”.

Estudyante:  Saka na lang…Kapag nakatapos na ako ng pag-aaral.”

Binata/Dalaga: “Saka na lang…Kapag may asawa’t anak na ako.”

May Asawa: Saka na lang…Kapag naka-graduate na lahat ng mga anak ko.”

Empleyado: Saka na lang…Kapag tumaas na ang sweldo ko.”

OFW: Saka na lang…Kapag marami na akong ipon.”
Alam mo ba na ang “Saka na lang…” ay mas madalas na nagiging “Hindi na lang…” ika nga sa kasabihan:

“Do it NOW!..Sometimes ‘LATER’ becomes ‘NEVER’.”
 
Ang pagpapaliban natin ng isang bagay na maaari namang gawin agad-agad ay mas madalas na hindi na natin nagagawa ng tuluyan. Do you agree? Isang magandang halimbawa ay ang pag-iipon at pag-iinvest. Tuwing bagong taon, lage nating sinasabi na this time, mag-iipon na tayo o mag-iinvest, pero dahil sa ugali nating “maniana habit” or “saka na lang”, mas madalas na pinagpapaliban natin ito at nauuwi lamang sa labis na pag-gastos imbes na makapag-ipon o makapag-invest.

“Stop PROCRASTINATING...Start NOW!”


Kung hindi ngayon, kailan ka pa mag-iinvest?


Edad 18 - 25
“Ako, mag-iinvest? Nagbibiro ka ba? Nag-aaral pa ako, hindi mo pwedeng asahan na makakapag-invest na ako. Bata pa ako, gusto ko pang magpakasaya sa buhay. Kapag nakatapos na siguro ako ng kolehiyo, magsisimula na akong mag-invest.”

Edad 25 - 35
“Huwag mong asahang mag-iinvest na ako. Tandaan mo, ilang taon pa lang akong nagtatrabaho. Kapag maayos na ang lahat saka na ako mag-i-invest. Pero sa ngayon, kailangan kong manamit ng maayos para maganda ang impresyon sa akin. Siguro pag nagkaedad pa ako ng konti. Marami pa namang oras eh.”

Edad 35 - 45
“Paano ako makakapag-invest ngayon? eh may asawa na ako, at may mga anak na dapat suportahan, marami pa akong mga gastusin. Siguro kapag malalaki na yung mga bata, pag-iisipan ko na yang tungkol sa investing”

Edad 45 – 55
“Sana nga kaya ko ng mag-invest ngayon, pero di ko pa kaya eh. Mayroon na akong dalawang anak sa kolehiyo at doon napupunta lahat ng pera ko. Nagkanda-utang utang pa ako nung mga nakaraang taon para lang mabayaran lahat ng mga bayarin sa kanilang pag-aaral. Pero di naman yun magtatagal ng habambuhay at pagkatapos nun, mag-iinvest na ako.”

Edad 55 to 65
"Alam ko na dapat akong mag-invest, pero gipit talaga ako ngayon eh. Hindi madali para sa isang katulad ko na may edad na, na umasenso pa sa buhay. Ang tangi ko na lamang pwedeng gawin ay umasa sa mga anak ko. Bakit nga ba hindi ako nag-invest sa nakalipas na 20 taon? Eh di sana hindi ganito ang kinahinatnan ng buhay ko.”  

Edad 65 pataas
"Oo, huli na ang lahat ngayon. Nakikitira na lang kame sa aming panganay na anak. Alam ko hindi maganda ito, na umaasa lang kami sa kanya, pero ano pa bang magagawa namin? Meron nga kaming pensyon, pero napakaliit naman,sinong mabubuhay sa ganoong halaga? Kung nag-invest lang sana ako nung panahong may pera pa ako, disin sana’y maginhawa ang buhay namin ngayon. Hindi ka na makakapag-invest kung wala ka ng income.”

Kung nais natin ng magandang buhay para sa ating pamilya, marapat lamang na paghandaan natin ito.
Sa Investing, Time is our greatest ally! Kung mas maaga kang mag-iinvest, mas mahaba ang panahon na ilalago ng iyong pera. Kaya naman, huwag ng magpatumpik-tumpik pa! simulan mo na ngayong mag-invest habang hindi pa huli ang lahat.
Tandaan, Nasa Huli ang Pagsisisi.
 
 



 

No comments:

Post a Comment